- Home
- Departments
- Finance
- Policy
- Policy - Tagalog
Policy - Tagalog
LUNGSOD NG FILLMORE – FINANCE DEPARTMENT - WATER UTILITY BILLING
MGA SINGIL AT PAGBABAYAD, PAGSASARA, PATAKARAN SA MGA ALTERNATIBONG KASUNDUAN SA PAGBABAYAD AT PAG-APELA
Epektibo 2/1/2020
MGA SINGIL AT PAGBABAYAD
Lahat ng singil sa ginamit ay dapat bayaran, kailangang bayaran, at nagiging delingkwente mula sa petsa ng singil. Ang mga singil sa ginamit ay sasailalim sa di pagpapatuloy kung hindi mababayaran sa loob ng animnapung (60) araw mula sa petsa ng singil. Kailangang magbayad sa City Hall, online o sa pamamagitan ng koreo. Ang hindi kumpletong pagbabayad ay hindi awtorisado.
Multa sa Pagkahuli
Ang mga Gumagamit na hindi nakabayad ng singil sa yutilidad sa pagsasara ng negosyo sa ika19 na araw ng kalendaryo pagkatapos ng petsa ng singil ay susulatan ng Pasabi sa Delingkwente, na bayad ang selyo, na may kasamang limang porsyentong (5%) multa sa pagkahuli na idadagdag sa orihinal na singil na sasakop sa halaga ng administrasyon at koleksyon ng mga multa sa pagkadelingkwente. Ang mga singil na di binayaran sa takdang petsa ay dapat bayaran sa o bago sa petsang naka-print sa Pasabi sa Delingkwente at sasailalim sa interes na katumbas ng isa at kalahating porsyento (1-1/2%) ng interes sa bawat buwan sa alinmang di nabayarang naunang tuloy-tuloy na balanse hanggang sa mabayaran. Hindi ipatutupad ng Lungsod ang mga multa sa pagkahuli sa Mga Gumagamit na Mababa ang Kinikita, mga sambahayang kumikita ng mas mababa ng 200% sa Federal na antas ng kahirapan, isang beses kada 12 buwan.
Pasabi sa Delingkwente (Hindi Nakabayad sa Takdang Petsa)
Kung hindi nakapagbayad ayon sa nakasaad sa singil sa pagsasara ng negosyo sa ika19 na araw ng kalendaryo pagkatapos ng petsa ng singil, isang pasabi sa delingkwenteng pagbabayad (ang "Pasabi sa Delingkwente") ay ipadadala sa gumagamit sa pamamagitan ng isang liham. Ang Gumagamit ay maaaring makipag-ugnayan sa Water Department sa 805-524-1500 ext. 136 para pag-usapan ang mga opsyon upang hindi maputol ang serbisyo ng tubig na inumin. Kung ang adres ng Gumagamit ay hindi ang adres ng ari-arian na pinadadalhan ng serbisyo, ang Pasabi sa Delingkwente ay dapat ring ipadala sa adres ng ari-arian, naka-adres sa "Nakatira." Ang Pasabi sa Delingkwente ay dapat magsaad ng mga sumusunod:
(1) Pangalan at adres ng gumagamit;
(2) Halagang hindi nabayaran;
(3) Petsa kung kailan ang pagbabayad o kasunduan sa pagbabayad ay dapat gawin upang maiwasan ang pagputol sa serbisyo;
(4) Maglaan ng sanggunian ukol sa proseso ng pag-aaply para sa dagdag na panahon ng pagbabayad sa utang na halaga;
(5) Maglaan ng sanggunian ukol sa pamamaraan ng pagpetisyon sa pagrerebisa at pag-apela para sa dagdag na panahon ng pagbabayad sa utang na halaga;
(6) Maglaan ng sanggunian ukol sa pamamaraan na makahihiling ang Gumagamit ng isang utik-utik, o naka-iskedyul na amortisasyon ng pagbabayad;
(7) Maglaan ng sanggunian para makakuha ng impormasyon ang Gumagamit ukol sa pinansyal na tulong na magagamit, kung naaangkop; at
(8) Ang numero ng telepono ng isang kinatawan mula sa Lungsod na makapagbibigay ng dagdag na impormasyon.
Hindi Nakausap ang Gumagamit
Kung ang Lungsod ay nabigong makipag-ugnayan sa Gumagamit sa pamamagitan ng nakasulat na pasabi (ibig sabihin, bumalik ang liham sa koreo), sisikapin ng Lungsod sa ngalan ng magandang pamamalakad na puntahan ang tirahan at mag-iwan, o gumawa ng ibang kasunduan na ilalagay sa lugar na madaling makita, ng Pasabi sa Delingkwente, at isang kopya ng Patakarang ito.
PAGSASARA
Pinal na Pasabi sa Delingkwente - Pitong Araw (7-Araw) na Pasabi
May pitong araw bago ang aktwal na pagputol, magpapadala ang Lungsod sa Gumagamit ng pangalawang pasabi upang tiyakin na matatanggap ito ng Gumagamit humigit-kumulang 48 oras bago ang pagputol. Ang pangalawang pasabing ito sa liham ay dapat magsaad ng:
(1) Pangalan at adres ng Gumagamit;
(2) Halagang hindi nabayaran;
(3) Petsa kung kailan ang pagbabayad o kasunduan sa pagbabayad ay dapat gawin upang maiwasan ang pagputol sa serbisyo;
(4) Bigyan ang Gumagamit ng sanggunian upang makakuha ng impormasyon tungkol sa magagamit na tulong na pinansyal, kung naangkop; at
(5) Ang numero ng telepono ng isang kinatawan mula sa Lungsod na makapagbibigay ng dagdag na impormasyon.
Dulong Petsa ng Pagsasara
Ang bayad sa mga singil sa serbisyo sa tubig ay dapat matanggap ng Lungsod bago mag-alas 4:00 ng hapon sa petsang nakasaad sa Pasabi sa Delingkwente. Hindi tatanggapin ang mga bayad pagkatapos.
Notipikasyon sa mga Ibinalik na Tseke
Oras na makatanggap ng ibinalik na tseke na ipinadala bilang bayad sa serbisyo sa tubig o sa iba pang singil, ituturing ng Lungsod na ang account ay hindi binayaran. Ang multa sa pagproseo sa halagang maaaring itakda ng resolusyon ng Konseho ng Lungsod ay ipapatong sa bawat tsekeng ibinalik sa Lungsod dahil kulang ang pondo. Sisikapin ng Lungsod na pasabihan ang Gumagamit sa pamamagitan ng liham o telepono. Puputulin ang serbisyo sa tubig kung ang halaga ng ibinalik na tseke at singil sa ibinalik na tseke ay hindi mababayaran sa petsang nakatakda sa Pasabi sa Delingkwente; o kung walang naunang naipadala na Pasabi sa Delingkwente, hindi lalampas sa ika animnapung (60) araw pagkatapos na magawa ang invoice ng bayad sa ibinalik na tseke. Upang mabawi ang ibinalik na tseke at mabayaran ang singil sa ibinalik na tseke, lahat ng utang na halaga ay dapat bayaran ng cash, ng sertipikadong tseke o ng money order.
Mga Kondisyon na Nagbabawal sa Pagputol ng Serbisyo.
Hindi puputulin ng Lungsod ang serbisyo sa tubig na inumin kung matutugunan ang mga sumusunod na kondisyon:
(1) Kondisyon ng Kalusugan. Ang Gumagamit o nangungupa sa Gumagamit ay magsusumite ng sertipikasyon mula sa isang Pangunahing Tagapaglaan ng Pangangalaga, tulad ng nakasaad sa Welfare and Institutions Code Section 14088(b)(1)(A), na ang pagputol ng serbisyo sa tubig ay maaaring makamatay, o mapanganib sa kalusugan at kaligtasan ng isang taong nakatira sa ari-arian.
(2) Walang Pinansyal na Kakayahan. Ipinakikita ng Gumagamit na wala siyang pinansyal na kakayahang magbayad ng serbsiyo sa tubig sa loob ng normal na panahon ng pagbabayad. Ang Gumagamit ay ituturing na "walang pinansyal na kakayahang magbayad" kung ang Gumagamit o sinumang miyembro ng sambahayan ng Gumagamit ay: kasalukuyang tumatanggap ng mga sumusunod na benepisyo: CalWORKS, CalFresh, na pangkalahatang tulong, Medi-Cal, SSI/State Supplementary Payment Program o California Special Supplemental Nutrition Program for Women, Infants and Children; kasalukuyang naka-enrol sa SCE o sa The Gas Company CARE na programa; o idineklara ng Gumagamit na ang taunang kinikita ng sambahayan ng Gumagamit ay mas mababa ng 200% sa federal na antas ng kahirapan; at
(3) Mga Alternatibong Kasunduan sa Pagbabayad. Ang Gumagamit ay handang pumasok sa isang kasunduan ng iskedyul ng amortisasyon o alternatibong pagbabayad.
Pagdetermina ng Mga Kondisyon na Nagbabawal sa Pagputol ng Serbisyo.
Nasa balikat ng Gumagamit na patunayang nasusunod ang mga kondisyong inilalarawan sa itaas. Upang mabigyan ng sapat na panahon ang lungsod upang maproseso ang anumang hiling na tulong ng Gumagamit, kailangang ibigay ng Gumagamit sa Departamento ng Yutilidad ang kinakailangang dokumento na naglalarawan ng mga medikal na isyu kawalan ng pinansyal na kakayahang magbayad at pumasok sa anumang alternatibong kasunduan sa pagbabayad, 15 araw ng kalendaryo bago ang anumang panukalang petsa para sa pagputol ng serbisyo. Pagkatanggap ng naturang dokumentasyon, ang Director of Finance ng Lungsod, o kinatawan, ay magrerebisa ng dokumentasyon at tutugon sa Gumagamit sa loob ng limang (5) araw ng kalendaryo. Ang katugunan ay alinman sa hihiling ng dagdag na impormasyon o magsasabi sa Gumagamit na natugunan niya ang mga kondisyon ng isang alternatibong kasunduan sa pagbabayad o hindi niya natugunan ang mga kondisyon sa isang alternatibong kasunduan sa pagbabayad.
Kung ang Lungsod ay hihingi ng dagdag na impormasyon, kailangang ibigay ng Gumagamit ang impormasyong iyon sa loob ng tatlong (3) araw ng kalendaryo pagkatanggap ng paghiling ng Lungsod. Sa loob ng limang (5) araw ng kalendaryo pagkatanggap ng dagdag na impormasyong iyon, alinman sa pasasabihan ng Lungsod ang Gumagamit sa nakasulat na paraan na hindi natugunan ng Gumagamit ang mga kondisyon ng isang alternatibong kasunduan sa pagbabayad o hindi nila natugunan ang mga kondisyon sa isang alternatibong kasunduan sa pagbabayad.
Ang mga Gumagamit na hindi nakatugon sa mga kondisyong inilalarawn sa itaas ay dapat magbayad ng halagang hindi nabayaran, kabilang ang anumang multa at iba pang singil, na nautang sa Lungsod sa loob ng dalawang (2) araw ng negosyo pagkatapos ng petsa ng notipikasyon ng determinasyon ng Lungsod na hindi natugunan ng Gumagamit ang mga kondisyon; o sa petsa ng napipintong pagputol ng serbisyo, tulad ng tinutukoy sa Pasabi sa Delingkwente.
Dagdag na Panahon para sa Pagbabayad: Koleksyon ng mga Delingkwenteng Account.
Kapag hiniling, gamit ang form na inilalaan ng Lungsod, sinumang Gumagamit ay maaaring lumagda at maghain ng kahilingan para sa dagdag na panahon para mabayaran ang nakalipas na itinakdang singil sa serbisyo sa Finance Department. Ang kahilingang ito ay dapat gawin bago ang petsang nakasaad sa Pasabi sa Delingkwente at bago matanggap ang 7-Araw na Pasabi sa Pagsasara Ang dagdag na panahon ay maaaring ipagkaloob sa Gumagamit depende sa kaso, gayunman, hanggang dalawa lamang (2) na dagdag na panahon sa bawat taon ng kalendaryo ang maaaring ibigay. Ang kahilingan sa dagdag na panahon ay naglalaan ng karagdagang pitong (7) araw mula sa takdang petsa ng pagbabayad para mabayaran ang hindi pa nababayaran at ito ay hindi magbabago. Ang mga nakasulat na kahilingan ay dapat na aprubado ng Finance Director o ng kinatawan.
MGA ALTERNATIBONG KASUNDUAN SA PAGBABAYAD
Pag-aaply.
Para sa sinumang Gumagamit na nakatutugon sa tatlong kondisyon na inilalarawn sa itaas sa ilalim ng Mga Kondisyong Nagbabawal sa Pagputol, ang Lungsod ay maaaring maglaan sa Gumagamit, sa sarili nitong pagpapasiya, ng isang amortisasyon ng balanseng hindi nabayaran.
Iskedyul ng Amortisasyon/Alternatibong Pagbabayad
(1) Termino. Babayaran ng Gumagamit ang balanseng hindi pa nababayaran, kasama ang singil na administratibo at interes, sa loob ng panahong hindi lalampas sa dalawang (2) buwan, ayon sa determinasyon ng Finance Director ng Lungsod o ng kinatawan. Ang Finance Director ng Lungsod o ang kinatawan, sa kanilang makatwirang pagpapasiya, ay maaaring magpahintulot ng termino ng amortisasyon na hihigit sa dalawang (2) buwan upang maiwasan na mapahirapan ang Gumagamit. Ang balanseng hindi nabayaran, kasama ang naaangkop na singil na administratibo at mga patong na interes, ay hahatiin sa bilang ng mga buwan ng panahon ng amortisasyon at ang halagang iyon ay idadagdag kada buwan sa nagpapatuloy na buwanang singil sa Gumagamit sa serbisyo ng tubig na inumin.
(2) Singil na administratibo at Interes. Para sa anumang aprubadong plano ng amortisasyon, ang Gumagamit ay magbabayad ng singil na administratibo, sa halagang itinakda ng Lungsod sa pamamagitan ng ordinansa o resolusyon, sa katumbas ng nagastos ng Lungsod sa pagpapasimuno at pamamahala ng plano ng amortisasyon. Sa pagpapasiya ng Finance Director ng Lungsod o kinatawan, ang taunang antas ng interes ay hindi lalampas sa anim na porsyento (6%)
(3) Pagsunod sa Plano ng Amortisasyon. Kailangang sundin ng Gumagamit ang plano ng amortisasyon at huwag magpapahuli dahil nagpapatung-patong ang bayarin sa bawat susunod na panahon ng pagbabayad. Ang Gumagamit ay hindi maaaring humiling ng dagdag na amortisasyon ng anumang susunod na singil na hindi nabayaran habang nagbabayad ng mga delingkwenteng halaga bilang pagsunod sa plano ng amortisasyon. Kapag nabigo ang Gumagamit na sundin ang mga termino ng plano ng amortisasyon sa loob ng animnapung (60) araw ng kalendaryo o higit pa, o nabigong magbayad ng mga singil sa kasalukuyang serbisyo sa loob ng (60) araw ng kalendaryo o higit pa, maaaring putulin ng Lungsod ang serbisyo sa tubig sa ari-arian ng Gumagamit sa humigit-kumulang limang (5) araw ng kalendaryo pagkatapos mag-iwan ang Lungsod sa ari-arian ng Gumagamit ng isang pinal na pasabi ng intensyon nitong putulin ang serbisyo.
MGA APELA AT REMEDYO
Pangunahing Apela.
Ang Gumagamit ay may karapatang manguna sa isang apela o kahilingan para sa pagrerebisa ng anumang singil o halagang itinakda ng Lungsod. Ang naturang kahilingan ay dapat isulat at ipadala sa Finance Department sa loob ng sampung araw (10) ng kalendaryo ng pagkatanggap ng singil sa serbisyo sa tubig at dapat na may kasamang dokumentasyon na susuporta sa apela o sa dahilan ng pagrerebisa. Hanggang nabibinbin pa ang apela ng Gumagamit at ang anumang resulta ng imbestigasyon, hindi maaaring putulin ng Lungsod ang serbisyo ng tubig sa Gumagamit.
Apela sa (Lampas sa Takdang Petsa) Pasabi sa Delingkwente.
Sinumang Gumagamit na nakatanggap ng Pasabi sa Delingwente ay maaaring umapela o humiling ng pagrerebisa sa Pasabi sa Delingkwente sa humigit-kumulang limang (5) araw ng kalendaryo ng pagkatanggap sa Pasabi sa Delingkwente; maliban, gayunman, kung walang ginawang apela o pagrerebisa. Anumang apela o kahilingan sa pagrerebisa sa ilalim ng Bahaging ito ay dapat isulat at ipadala sa Finance Department at dapat may kasamang dokumentasyon na suporta sa apela o sa dahilan ng pagrerebisa. Hanggang nabibinbin pa ang apela ng Gumagamit at ang anumang resulta ng imbestigasyon, hindi maaaring putulin ng Lungsod ang serbisyo ng tubig sa Gumagamit.
Pagrerebisa ng Apela
Kasunod ng pagkatanggap sa isang kahilingan para sa pag-apela o pagrerebisa, gagawin ng Finance Director o kinatawan ang pagrerebisa, at pasasabihan ang Gumagamit sa resulta sa pamamagitan ng sulat Pinal ang pasiya ng Finance Director.
(1) Maling Singil sa Serbisyo sa Tubig. Kung ang singil sa serbisyo sa tubig ay napatunayang mali at nararapat sa apela maglalaan ang Lungsod ng tamang invoice ng tinamang singil at dapat bayaran ito sa loob ng sampung (10) araw ng kalendaryo ng petsa ng invoice para sa tinamang singil. Kung ang mga tinamang singil ay mananatiling di nababayaran sa loob ng animnapung (60) araw ng kalendaryo pagkatapos na mailaan ang tinamang invoice, puputulin ang serbisyo sa tubig, sa sunod na regular na araw ng trabaho pagkatapos na mapaso ang panahon ng animnapung (60) araw ng kalendaryo; maliban na lamang kung bibigyan ng Lungsod ang Gumagamit ng Pasabi sa Delingkwente at ng 7-Araw na Pasabi sa Pagsasara. Ibabalik lamang ang serbisyo sa tubig kapag nabayaran nang buo ang lahat ng singilin sa tubig, mga multa, at anuman at lahat ng mga naaangkop na singil sa muling pagkakabit.
(2) Tamang Singil sa Bayad sa Tubig. Kung ang pinag-uusapang singil sa bayad sa tubig ay napatunayang tama para sa apela, ang mga singil sa tubig ay dapat bayaran sa loob ng dalawang (2) araw ng kalendaryo pagkatapos na maibigay ng Finance Director ang desisyon o sa Takdang Petsa, alinman ang mahuhuli.
Mga Remedyo
(1) Mga Lien sa Ari-arian. Para sa mga delingkwenteng account, nakalaan sa Lungsod ang awtoridad na magtatag at magtala ng lien laban sa ari-arian na ihahatag sa utang na halaga sa Lungsod dagdag ang lahat ng mga karagdagang singil na pinahihintulutan ng batas.
(2) Bayad sa Ahensya ng Koleksyon. Bilang karagdagan sa isang kilos ng batas o anumang iba pang remedyo, ang Lungsod ay maaaring mangolekta ng mga singil gamit ang isang ahensya ng koleksyon at maaaring pagbayarin ang Gumagamit ng halagang katumbas ng ibinabayad ng Lungsod sa isang ahensya ng koleksyon, na ang halagang ito ay idadagdag sa delingwenteng account na naisumite sa ahensya ng koleksyon para sa mga serbisyo ng pangongolekta dahil hindi nabayaran.
Bayad sa Ahensya ng Koleksyon Hanggang 50% ng halagang hindi nabayaran
Ang singil na ito ay idadagdag sa halagang hindi nabayaran na isinumite ng Lungsod sa isang ahensya ng koleksyon upang mangolekta sa account, na kung ang hindi nabayarang halaga ay katumbas ng $100 at ang singil ng ahensya ng koleksyon ay $30 (o 30% ng hindi nabayarang halaga), ang kabuuang halaga na dapat ibayad sa Lungsod ay tataas sa $130.
(3) Inog ng Buwis. Kaakibat ng awtoridad ng Health and Safety Code Section 5473, ang konseho ng lungsod ay maaaring taunang magbunsod ng isang nakasulat na ulat ng mga delingwenteng pagbabayad at mga singil na ihahanda at ipa-file sa city-clerk, na naglalarawan ng bawat parsela ng ari-arian at ng delingkwenteng halaga ng mga singil sa bawat parsela na kinalkula sang-ayon sa mga singil na itinakda sa pamamagitan ng ordinansa at ang bahagi niyon na nananatiling hindi nababayaran sa loob ng animnapung (60) araw bago ang petsa ng ulat. Ang mga naturang hindi bayad na singil ay kokolektahin sa pag-inog ng buwis sa parehong paraan, ng mismong parehong mga tao, at sa parehong panahon, kasama ng at hindi hiwalay sa, mga pangkalahatang buwis ng Lungsod. Susundin ng City Clerk ang mga pamamaraan na nakasaad sa Health and Safety Code Sections 5473, et seq. Ang ari-arian ay maaaring ilarawan nang may pagsangguni sa mga mapa na inihanda ayon sa Section 327 ng Revenue and Taxation Code, at naka-file sa tanggapan ng County Assessor o nang may pagsangguni sa mga plat o mapa na naka-file sa tanggapan ng City Clerk.